Isko/Iska, payag ba kayong Polytechnic of the Philippines nalang ang itawag natin sa ating Sintang Paaralan?
Ang
sagwa diba? Hindi magandang pakinggan. Pero wala kayong magagawa. Sa
ayaw at gusto nyo, eto na ang reyalidad ng buhay ng mga Iskolar ng Bayan
sa P*P Lopez, Quezon.
Kung
tutuusin, applicable pa ngang Polytechnic of the Philippines nalang ang
itawag sa PUP Lopez eh. Pano ko nasabi? Simple lang. Mag-aapat na taon
na kasi tayong P*P, as in “pipi”. Mag-aapat na taon na tayong walang
boses sa loob ng ating sariling pamantasan.
Natuyo na lang ang laway natin sa represibong katahimikan sa mag-aapat
na taon nang kawalan ng malayang pahayagan! Nakakahinga pa ba kayo?
Para
tayong teleponong walang mouthpiece. Para tayong jumejebs ng
pagkalaki-laking jebs sa isang public C.R., gusto nating sumigaw pero
hindi natin magawa.
Isang
kakilala mula sa ibang paaralan ang minsang nagbitaw ng komento: "Hindi
na kayo university, kasi wala na kayong student publication". Ang
masakit pa nyan, totoo ang sinabi nya. Hindi na nga naman matatawag na
pamantasan (university) ang isang institusyong walang free market of
ideas? Hindi nga naman matatawag na unibersidad ang isang paaralang
walang boses at hindi naipapahayag ang ang mga hinaing at saloobin ng
mga estudyante nito.
Noong 2010, sinubukang muling magtayo ng Official Student Publication
sa P*PLQ sa pangalang ANG BAGWIS. Ang totoo nyan, nakagawa na ng bagong
Constitution and Bylaws at aprubado na ito sa PUP Sta. Mesa.
Nakapagpa-exam na din para sa mga bagong Editorial Board at Staff
Writers. Pero nangyari ang isang redundantly unf*ckingbelievable na
pangyayari. Hindi pinayagang lumipad ang Ang Bagwis, kaya naman
napabayaan ito at naging feather duster nalang. Hanggang sa kasalukuyan
(2012 na! magugunaw na lang ang mundo), wala pa rin tayong hawak na
dyaryo na tayo ang may-akda.
Ewan
ko sa inyo, pero ayokong mag-aral sa Polytechnic of the Philippines!
Sabi nga ni Dylan Thomas, "Rage, rage against the dying of the light."
Kaya naman binabawi ko na ang sinabi ko kaninang "wala kayong magagawa."
Malaki ang magagawa natin, mga Isko at Iska, kung tayo ay sama-sama.
Muli nating ibalik ang UNIVERSITY sa PUP. Ibalik natin ang The Epitome!
[BLiTZ]
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento