“Napakahalaga
ng isang publikasyong pangkampus sa isang Unibersidad. Sa atin
naririnig ng administrasyon ang mga kariingan ng mga mag-aaral nito.
Gayundin, nailalantad ng mga publikasyon ang mga maling gawi ng mga
administrador at ang bulok na sistema kung saan ito nakapaloob. Sa ating
maingat, masusi ngunit palabang pagsulat bumabatay ang bawat isa sa
komunidad ng ating mga pamantasan sa mga aksyong maaari nilang gawin sa
kasalukuyang panahon ng tumitinding krisis sa ating
lipunan.”
-Maybelle Gormate, Editor-in-Chief, The Catalyst, PUP Sta. Mesa
-Maybelle Gormate, Editor-in-Chief, The Catalyst, PUP Sta. Mesa
“Malaki
ang ginagampanang tungkulin ng isang pahayagan sa loob at labas ng
paaralan. Maraming Iskolar ng bayan ang namumulat sa iba't ibang isyung
pampaaralan. Maging sa mamamayan sa labas ng paaralan ay nabibigyan ng
sapat na impormasyon tungkol sa bayan. At higit sa lahat ito ay
nagsisilbing boses ng mga iskolar ng bayan at mamamayan sa ating
paaralan at komunindad.”
-Catherine Rufo, Editor-in-Chief 2008-2009, THE EPITOME, PUP Lopez
“Sa
pamamagitan ng mga pangkampus na pahayagan, nagkakaroon ang bawat
mag-aaral—partikular ang mga student journalists—ng pagkakataong
maihayag sa kapwa mag-aaral ang mga impormasyong hindi agad napaparating
sa kanila. Gayundin, nagkakaroon ng daan ang mga mag-aaral upang
maihayag ang kanilang mga saloobin at hinaing patungkol sa mga isyu na
kanilang dinaranas sa loob ng kampus. Ang Campus Press din ang kaagapay
ng mga mag-aaral upang higit na maunwaan ang mga pangyayaring nagaganap
sa kanilang paaralan.”
-Raynell A. Inojosa, Editor-in-Chief, THE LUZONIAN, MSEUF
“Malaki
ang ginagampanang tungkulin ng bawat pahayagang pangkampus sa loob ng
kanyang paaralan. Sa kabila ng "feel-good" ambiance na ipinapalunok ng
admin sa kanyang mag-aaral at ng estado sa kabataan, naririyan ang
pahayang pangkampus upang ihatid ang iba pang posibleng anggulo ng isang
isyu na maaring ikinukubli upang panatilihin ang status quo. Naririyan
ang pahayagang pangkampus bilang alternatibong midyum kung saan ang
pangunahin nitong mambabasa - mga mag-aaral - ay magkakaroon ng
pagkakataong ilabas ang kanilang saloobin.”
-Donnadette S.G. Belza, Editor-in-Chief, THE TORCH, PNU Manila
(I-download ang unang release ng The Epitome 2.0!)
(I-download ang unang release ng The Epitome 2.0!)
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento