Humihingi
kami ng paumanhin kung sa apat na pahinang publikasyong ito ay pilit
naming pinagkakasya ang aming mga artikulo. Ngunit higit sa kakulangan
ng pahina, inihihingi namin ng paumanhin ang limitadong pagbibigay namin
ng impormasyon.
Sa
unang isyung ito ng The Epitome 2.0, nais naming ipabatid sa buong
komunidad ng PUP na hindi katanggap-tanggap ang halos apat na taong
kawalan ng pahayagang pangkampus sa PUP Lopez. Matagal na kaming
nagtiis. Matagal na kaming naghintay. Hindi lingid sa kaalaman ng lahat
na walang sumisirkulong pahayagan sa ating Sintang Paaralan. Ang maliit
na proyektong ito, ang The Epitome 2.0, ay ang pansamantalang
magpapatuloy ng laban para sa karapatan sa impormasyon at pamamahayag ng
mga Iskolar ng Bayan habang hindi pa naibabalik sa proseso ang The
Epitome, opisyal na pahayagang pangkampus ng PUP Lopez.
Kaya
naman hinihingi ng 2.0 ang suporta ng bawat Iskolar ng Bayan sa
kampanya ng pagbabalik ng The Epitome. Maraming taon ding nagbigay ng
serbisyo ang pahayagang ito sa pamamagitan ng pagmulat sa mga mag-aaral
ng PUP sa tunay na sistema ng edukasyon at maging ng lipunan. Marapat
lamang siguro na ipaglaban hindi lamang ng 2.0, kundi maging ng buong
komunidad ng PUP ang pagbabalik ng The Epitome.
Habang
hindi pa natin naaabot ang tagumpay na ito, patuloy pa rin kaming
magmumulat at maglalantad ng maling sistemang umiiral sa pamantasan,
maging sa lipunan. At ito ang kaylan ma'y hindi namin ihihingi ng
paumanhin. [WaitForIt]
"The Iskolar ng Bayan deserves more than four pages!"
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento